Masasabing ang ating mga mata ang pinaka-importanteng parte ng ating katawan kaya naman dapat na ating ito’y pahalagahan at ingatan.
Iwasan ang sobrang pagpapagod ng mata, pumikit ng dalawang minuto kada-tatlong oras para ma-relax ang mata.
Kung nananalamin, ugaliin itong tanggalin bawat dalawang oras para mapagpahinga ang mata.
Masahihin ang paligid ng mata in circular motion.
Kapag lumalabas, ugaliing tumingin sa malayo at huwag sa sariling paa. Sa paraang ito ay mas mai-exercise ang mga mata. Dalasan ang pag-inom ng carrot juice ganun din ang pagkain ng mga kalabasa. Mas epektibo ang pag-inom nito kung maglalagay ng dalawang patak ng olive oil sa juice. Makatutulong ang olive oil para ma-absorb ng katawan ang benepisyo ng carrots sa mata. Bago matulog ay maglagay din ng malamig na pipino sa mata para ma-relax.
Hugasan ng maligamgam na tubig ang mata kapag nakararamdam kang pagod na ito.
Iwasang humarap sa computer, TV, at cell phone dalawang oras bago matulog.