Ang pinakamalaking problema ng mga tao ay kung paano magsisimula ng kanilang negosyo o project na hinahangad.
Kung kumpleto na ang iyong plano at may budget na upang pag-aralan na ang market at posibleng problema, maaaring humakbang na simulan ang iyong journey.
Huwag asahan na alam agad ang lahat ng sagot sa iyong tanong. Kailangan lamang magdesisyon at i-push nang simulan ang iyong plano. Simulan na ang mag-research, maghanap, tumingin, at ikumpara ang iba’t ibang investment ng iyong produkto o sales.
Puwedeng mag-call a friend, hindi lang isa o dalawa na expert sa linyang gustong pasukin. Pag-aralan ang lahat ng detalye. Huwag mahiyang magtanong, kung hindi mag-i-inquire ay hindi mo malalaman ang tamang sagot o direksyon sa iyong target na business.