Hindi lamang sa pagpapahid ng kung anu-anong produkto sa iyong balat ang makatutulong sa iyong pagpapaputi at pagpapaganda ng kutis. Sa katunayan, maraming pagkain ang napatunayan nang mabisa.
Lemon water – Bukod sa mura na, mabisa pa ang araw-araw na pag-inom ng isang litrong lemon water.
Potato – Ilagay ang hiniwang patatas nang direkta sa mukha. Nakatutulong itong makaalis ng red marks sa iyong kutis tulad ng blemishes at nakakaputi rin.
Kiwi – May Omega- 3 fatty acids ang prutas na ito na nagpoprotekta sa germs. Makaiiwas din sa skin infection ang pagkain ng kiwi. Sagana ito sa Vitamin C na makatutulong para makapag-produce ng collagen ang ating kutis.
Tea – Ang pag-inom ng tsaa bago matulog sa gabi ay nakababawas ng skin burn at maging ng paggaspang ng ating mga balat.
Pula at dilaw na mga prutas/gulay – Sagana ang mga prutas na ito sa phytochemicals at carotene.
Naiiwasan nito ang pagkasira ng mga cell sa ating balat na nagdudulot sa ating pag itim.
Ilan sa halimbawa ng mga prutas na pula at dilaw ay carrots, papaya, pakwan, orange, manga, at kalabasa.