Hayaan ang anak na isulat ang kanilang pag-aalala sa isang pirasong papel, basahin ito sa inyong harapan, at saka sirain ang papel at itapon. Sa ganitong paraan ay natutulungan ang anak na mailabas ang kanyang pag-aalala at i-let go ito.
Ang worry journal ay makatutulong sa mga bata kung paano ang anxiety sa isipan ay ma-improve kahit over time. Sa pagsusulat ng mga nangyari sa maghapon mula sa kanilang worries ay mababasag ang cycle ng negatibong pag-iisip.
Puwede rin magkaroon ng worry box. Ito ay isang tool na puwedeng gamitin bagomatulog. Hayaan ang anak na lagyan ito ng disenyo gaya ng lumang tisyu o sticker. Makatutulong na isulat ang kanilang kalungkutan mula sa araw at ilagay ito sa box ng paisa-isa. Pagkatapos i-share ang kanyang karanasan sa magulang. Kunin ang box sa gabi sa kanilang kuwarto at hayaan itong hawakan ang kahon para sa anak.