^

Para Malibang

‘Ilocano Pasta’

BURP - Koko - Pang-masa

Pasta ang isa sa kara­niwang makikita na nakahain sa mesa sa kahit anumang okasyon sa Pilipinas.

Pero alam n’yo bang sa lalawigan ng Ilocos ay paboritong ihalo sa pasta ang Ilocos longganisa?

Tama! Kung sawa na kayo sa karaniwang pas­ta ay pwedeng-pwede kayong magluto ng longganisa pasta!

Mga Kinakailangan Sa Pagluluto

- Kalahating kilo ng Ilocos longganisa

- 2 kutsarang olive oil

- dinikdik na bawang

- sibuyas na hiniwa ng maliliit

- kamatis na hiniwa ng maliliit

- 3 kutsarita ng suka, maaari ring gumamit ng apple cider vinegar

- 1/2 tasa ng tubig mula sa pinakuluang pasta

- 500 grams ng pasta

- parmesan cheese

- chili flakes

Paraan ng Pagluluto

1. Unang lutuin ang longganisa.

2. Durugin o ligisin ang longgonisa hanggang sa maging parang giniling at itabi muna.

3. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

4. Ihalo ang giniling na longganisa at pakuluin.

5. Ilagay ang suka o apple cider vinegar at lagyan ng tubig.

6.   Ilagay ang luto nang pasta at haluin.

7. Lagyan ng parmesan cheese at chili flakes base sa nais na anghang at ihain.

PASTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with