Madaling malaman kapag umiyak ang isang tao dahil namumula at namumugto ang mga mata nito.
Ang katawan ay nagsi-send ng maalat na liquid na nailalabas ng mga mata na response rin kapag nakaririnig ng mga kantang nagpapaalala sa iyong ex.
Bakit nga ba naiiyak kapag nakaririnig ng mga hugot na kanta? Ang pag-iyak ay resulta ng chain reaction sa ating katawan. Kapag ang proseso ay nati-trigger kaya nangingilid na ang mga mata.
Anong nangyayari sa katawan kapag naiiyak? Kapag nakararamdam ng intense na emosyon saka na nagsi-signal ang brain.
Kahit anong emosyon gaya ng nalulungkot, nagagalit, nai-stress, at kahit sobrang kasiyahan ay proseso ng katawan bilang sign ng maaaring nasa panganib ang indibidwal para bang hinahabol ng mga masasamang loob o aatakihin ng aso.
Sa intense na sitwasyon, ang amygdala sa area ng brain ay nagkokontrol ng emosyon, na nagbibigay signal sa hypothalamus na kasing laki ng pea na isang gland sa brain na konektado sa autonomic nervous system.
Ang autobomic nervous system ang siyang nagpapagana ng mga function na walang kontrol ang tao.
Tulad ng body temperature, kapag nagugutom, nauuhaw, at pati ang pag-iyak.