Kahit may hawak na pera o maganda ang kinikita humihiling pa rin na sana ay mas marami pang oras sa isang araw.
Naririnig sa mga tao na nagsasabi na kung mayroong sapat na pera para lamang makabili ng kotse. Kaya nga mahaba ang pila sa tayaan ng lotto dahil lahat ay gustong maging milyonaryo, pero hindi naman nanalo.
Kahit anong sabihin lahat ay patas na mayroong 24 hours sa isang araw. Ang wish na magkaroon pa nang higit na oras na pang figure of speech na hiling na matapos ang trabaho sa isang araw.
Kung tutuusin ay hindi natin kailangan ang mas marami pang oras. Ang kailangan lamang ay gamitin kung anong nasa ating mga kamay. Pero marami ang nagsasayang ng panahon sa maghapon na kinakain ang ating oras sa maraming distraction.
Gaya ng pag-surf sa social media ganundin ang pag-check ng email nang paulit-ulit. Ang pag-scroll sa Facebook o Instagram maya’t maya na sa pag-browse ay isa o dalawang oras na pala ang lumipas.
Ang panonood ng TV ng karaniwang tao ay inaabot ng 35 hours sa pagtutok ng telebisyon sa buong linggo. Nakikitsismis na hindi lamang nasasayang ang oras, kundi ito ay may negatibong epekto na nilalamon din ang energy at kasiyahan sa buhay. Sa halip na magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa kaibigan. Lalo ng kawalan ng to-do list upang ma-hit ang target at maging produktibo sana sa isang araw kung kaya nasasayang ang oras sa maghapon.