Dahil sa kagustuhan nating mas gumanda at kuminis ang ating kutis ay samu’t saring pampaganda ang ating pinagkakagastusan at sinusubukan.
Ganun pa man, hindi pa rin tayo nakasisiguro kung talaga ngang epektibo ito sa ating balat. Para bigyan kayo ng ideya, narito ang ilan sa bad habits na ginagawa natin sa ating kutis na kailangan nating tigilan:
Madalas na paggamit ng facial scrub - Maaari nitong ma-injured ang upper layer ng ating epidermis. Mas makabubuti kung gagamit ng organic facial wash.
Madalas na paggamit sa anti-wrinkle cream - Dahil sa paniniwalang matatanggal ang kulubot sa mukha, mas gumagamit na ang karamihan ng anti-wrinkle cream sa halip ng moisturizer.
Pagkain ng fast food at iba pang malalansang pagkain - Dahil dito ay mas bibilis ang pagtanda ng ating hitsura. Mas mabuti kung kakain ng sapat na gulay at prutas na mainam para sa ating kutis.
Pagpapatuyo ng mukha gamit ang towel - Mas mainam kung patutuyuin ang mukha gamit ang face towel o hahayaan na lamang itong matuyo sa hangin. Maaaring ma-irritate ang ating mukha kung gagamitin din ang kaparehong towel na ginagamit din sa ating katawan.