Kamakailan lang ay nadiskubre ng mga scientist ang isang pating na ang edad ay nasa 392 taon na. Ito ay isang Greenland shark na nakitang pagala-gala sa karagatan ng Arctic at maaaring ito ang pinaka- matandang living vertebrate sa buong planeta.
Ayon sa mga researcher, sa estima nila, ang nasabing pating ay ipinanganak noon pang 1505. Kaya nilang mabuhay sa temperature na negative 1 degree Celsius at kaya rin nilang sumisid sa kailaliman ng dagat hanggang sa lalim na 7,200 feet.
Ayon sa report, may habang 18ft ang pating, at sa haba nito malalaman kung ilang taon na sila, dahil taun-taon ay lumalaki sila ng 1 cm.
Ang nakitang pating ang pinakamatanda sa 28 na Greenland sharks na kanilang napag-aralan.
Ang mga ganitong uri ng pating ay may lifespan na hanggang 400 taon, at ang ginagawa lamang nila sa buong buhay nila ay ang maghanap ng makakapareha. Sa ngayon, hindi pa rin tiyak ng mga scientist kung bakit mahaba ang buhay ng mga Greenland shark, maaaring nasa genes na nila ito o baka dahil sa malamig na temperatura, dahilan para bumagal ang kanilang metabolismo.
Maaari silang matagpuan sa North Atlantic Ocean at Arctic Ocean at ang paborito nilang kainin ay isda lamang.