Positibong expectation sa anak
Ipahayag ang positibo, pero realistic na expectation sa mga anak. Hindi puwedeng mangako sa bata na ang takot nito ay guni-guni lamang o hindi totoo. Sinasabi ng magulang sa anak na hindi siya babagsak sa test, mai-enjoy nito ang ice skating, o walang tatawa sa kanya kapag nag-present ito sa kanilang school; pero ang totoo ay puwedeng kabaliktaran ng sinasabi ni nanay.
Pero puwedeng i-express ang confidence sa anak na siya ay magiging okey, kakayanin nitong i-manage ang sitwasyon, at kahit habang sa pagharap sa kanyang takot o anxiety.
Bigyan ng tiwala ang anak na ang inaasahan sa bata ay realistic, huwag lamang humiling sa kanya ng mga bagay na hindi nito kayang i-handle.
- Latest