Sa umpisa ng pagsasama ng mag-asawa, maaaring karaniwang luto lamang ni misis ay lahat ng klase ng piniritong pagkain. Akala ni misis ang lahat ng luto ay ginigisa lamang sa bawang. Sa ilang dekadang pagluluto ni nanay, sarap na sarap naman si mister na kainin ang kahit anong hain ng asawa. Hanggang maging creative na sumubok si misis ng ibang putahing niluluto at pinagsasaluhan sa mesa.
Ang gentle at constructive na feedback ni mister ay nakatutulong ng malaki upang maging mahusay na chef ng tahanan si misis. Mula sa piniritong itlog hanggang sa masarap na pagluluto nito ng carbonara, katakam-takam na cinnamon rolls, at iba pa. Nagsimula lamang sa paggigisa ng bawang at sibuyas sa lahat ng paghahandang niluluto ni nanay para sa pamilya.
Bahagi ng proseso ng masayang pagsasama sa marriage ay ang pagkilala o pag-appreciate sa effort ng asawa. Ang tingnan sa partner ay unique hindi lamang kung sino siya, kundi kung anong puwedeng maging si misis o mister. Kaya laging tingnan ang asawa higit pa sa kahinaan ni hubby o wifey.