Naghugas si mister ng kawali at kaldero, pagkatapos ay na-distract ng kung ano, hindi na nito natapos ang ibang pinggan. Pagkahiga sa kama ay nagulat si mister na ipinaalala ni misis ang tungkol sa hugasan. Mabilis ang takbo ng isip ni mister na mayroon pala siyang hindi nahugasan. Hindi maalala ni mister kung bakit siya na-distract sa kung saan at iniwan ang lababo. Naghahanap pa lang ng brilliant na alibi si mister sa kanyang isipan ay nagpasalamat na si misis na hinugasan nito ang malaking kawali at kaladero. Nakabuka lang ang bibig ni mister at wala nang lumabas na salita mula sa kanya.
Sa mag-asawa, mahalaga ang spirit ng thanksgiving na malaking deperensya na magpokus na magpalasamat sa mga nakikita. Tulad ng pagpapasalamat sa effort ni mister na nagpo-provide para sa pamilya na madalas ay hindi nabibigyang halaga. Kahit ang mag-thank you sa simpleng paglilinis, pagluluto, at ibang bagay na ginagawa ng asawa na hindi napapansin kahit noon. Sa halip na magpokus sa negative na may ibang epekto. Kung nagrereklamo ay mas nangangatwiran kung paano ito malusutan. Kahit hindi madali ang magpokus sa positive na aspeto ay mas magandang gawin, para hindi madismaya o magkaroon ng bitterness. Sa halip, idaan na lang sa jokes para magkaroon ng good vibes ang mag-asawa. Kaysa naman magmurahan, mag-insultuhan, at magsigawan. Kundi ibaling ang lenses sa pagpapasalamat upang mas maging maayos ang pagsasama.