Perfectionist na nanay

Dear Vanezza,

Yung nanay kong walang makita sa akin kundi puro mali ko. Wala raw akong ambisyon. Hindi ba puwedeng magpahinga kasi bakasyon. Ano po ba ang gagawin ko sa ermat kong perfectionist. Kinukumpara ako sa mga pinsan kong nurse at doktor. Hello, anong magagawa ko kung iba ang trip ko gaya ng music. Pero hindi ibig sabihin ay wala na akong pangarap sa buhay. Ano po ba ang gagawin ko? – Joi

Dear Joi,

Ganyan lang ang mga nanay naiinip sa puwedeng maging achievement ng anak. Madalas ay natatakot na baka hindi ka magkaroon ng regular job dahil bibihira sa mga kabataan na magkaroon ng trabaho bilang singer na kailangan munang sumikat bago magkapera. Basta patunayan lamang ang iyong passion upang hindi rin mag-alala ang iyong nanay.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments