• Kung gustong maging healthy ang puso? Ayon sa Oxford University, makinig sa classical music na nakatutulong na bumaba ang blood pressure. Samantalang ang pakikinig ng rap, pop, at techno ay nagpapataas ng blood pressure.
• Sa pakikinig sa Mozart ay nakatutulong ma-improve ang memory. Ang taong nakikinig ng Mozart’s music ay tumataas ang brain wave na direktang inuugnay sa memory. Kung mayroong speech o presentation, makinig ng Mozart habang nagpa-practice.
• Para mapiga ang isipan ay makinig ng ilang classical music na nakatutulong na mas nagkakaroon ng creative na mindset. Kung mayroong brainstorm, subukan na makinig sa Mozart o Bach music na mailalabas ang outside the box ng iyong mga ideas.
• Kung feeling stress, makinig ng ilang classical tunes. Sa pag-aaral, ang mga buntis na babae na nakikinig sa classical music ay mas nababawasan ang stress sa kanyang pagbubuntis. Ayon sa scientists, ang classical tempo ay katulad ng puso ng tao, na napapakalma ang anxiety at depression sa pakikinig ng classical music.