Sinigang na mackerel swak sa bulsa!
Maituturing na swak sa bulsa at para sa mga nagmamadali ang mga de-latang pagkain, tulad ng mackerel.
Pero alam n’yo ba na maaari ninyong i-level up ang simpleng mackerel? Puwede ninyo itong lagyan ng ibang sangkap tulad ng sinigang na mackerel!
Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 lata ng mackerel
• Sibuyas
• Luya
• Kamatis
• Labanos
• Kangkong
• Sampalok
• Patis
• Siling pansigang
• Tubig
Paraan ng pagluluto:
Igisa ang sibuyas, kamatis at luya.
Ilagay ang tubig. Isunod ang mackerel at pakuluan.
Ilagay ang katas ng sampalok at muling pakuluan.
Ilagay ang labanos.
Isunod ang kangkong.
Timplahan ng patis.
Maaari nang ihain ang sinigang na mackerel.
- Latest