Laging pangaral ni nanay na kumain ng carrots hindi lamang para luminaw ang paningin, kundi para maprotektahan ang ating mga mata. Hindi lang ito kuwentong kutsero ng mga mother para mapilitang kumain ang mga anak ng gulay na carrots.
May basehan ang sinasabi ng mga kusinerang nanay dahil ang B-carotene na nakukuha sa carrots ay inuugnay sa provitamin A na nako-convert ng katawan para maging vitamin A.
Ito rin ay kabilang sa malakas na antioxidant na instrumento na mabawasan ang oxidative stress para maprotektahan ang vision. Ang mga mata ay sensitive na madaling masira at maapektuhan mula sa reaksyon dahil sa stress.
Kabilang sa pamilya ng pagkain na may a-carotene at B-carotene ay ang saging at lycopene (kamatis), na parehong mainam para magkaroon ng malinaw na mga mata. Ang resulta ng B-carotene ay nakikita sa mata sa bandang retinal pigment epithelium at choroid na puwedeng bumaluktot ang antioxidant muscles at maaaring masira ang proteksyon laban sa liwanag na produce ng mga free radicals.
Kung kaya hindi nakapagtatakang ang pagkain ng fruits at vegetable na mayaman sa B-carotene ay nirerekomenda upang ma-improve ang vision.
Sa research, ito ay inuugnay sa pagbaba ng risk na maapektuhan ang mga litid sa ating mga mata. Bukod sa carrots, ang ibang kulay na orange na prutas at gulay ganundn ang mabeberdeng gulay ay good source ng B-carotene. Gaya ng patatas, kalabasa, mangga, papaya, melon, spinach, repolyo, at iba pa.