Pinaniniwalaang ang mangga ang ‘hari’ ng mga prutas dahil bukod sa mabibili ito ng buong taon. Sandamakmak din ang benepisyo nito sa pagpapaganda dahil ito ay naglalaman ng vitamin A at C na mga anti-cancer antioxidants.
Mayroon din itong collagen na siyang tumutulong na mapanatiling makinis at makintab ang ating kutis. At puwede ito sa iba’t ibang skin types.
Bukod sa pagkain ay puwedeng-puwede ring ipahid ang mangga sa mukha tulad na lamang ng paggawa ng facemask.
Simulan ito sa pagkuha ng laman ng manggang hinog (siguraduhing hindi kunin iyong parte na malapit sa balat dahil maaaring mairita ang balat dito).
Pagkatapos nito ay maghanda ng lutong oatmeal.
Pagsamahin ang mangga, oatmeal, at maghalo ng isang kutsarang honey. Ibabad ito sa mukha ng 15 minuto at saka masahihin, banlawan.