Lock ng bra ginagamit sa sugat ng mga pagong
Hindi lamang basta cover na maituturing ang shell ng isang pagong. Katunayan, vital part itong maituturing ng skeleton nila na siyang nagpoprotekta ng kanilang organs. Hindi masyadong prone ang mga pet turtle sa pagkabasag ng kanilang shell. Maituturing na mas expose sa danger ang wild turtles na maaring mabasag ang mga shell dahil sa sunod at mga kotse na nakakahagip sa kanila.
Ayon sa mga veterinarian, maaayos pa naman ang mga shell nila at may naisip na kakaiba at epektibong paraan ang isang wildlife organization.
Kamakailan lang ay nag-post sa kanilang Facebook page ang Wildthunder Wildlife & Animal Rehabilitation & Sanctuary at naghahanap ng bra fasteners o yung pang-lock ng bra bilang donasyon: “We use them to mend our turtle shells!”
Napakaraming nag-donate ng mga bra fasteners at ngayon ay sobra-sobra na ang kanilang supply. Ipinost din nila sa kanilang Facebook page kung paano nila ito ginagamit sa mga rescued turtles.
- Latest