Mother,tigang ang sex life

Dear Vanezza,

Single mother ang nanay ko na ubod ng sungit. Obserbasyon ng mga kaibigan ko, since walang love life si nanay ay kulang ito sa karinyo at sex life. Ipinagtutulakan ko na ngang magkadyowa, pero choosy si mother. Pero ako naman ang pinagbubuntungan sa boring niyang buhay. Ano ba ang gagawin ko? – Nelly

Dear Nelly,

At least open ka na magka-love life si nanay. Pagpasensyahan lang ang kanyang moods. Hindi lang naman lalaki ang kukumpleto sa kanyang pagkatao. Hamunin siya sa ibang pagkakaabalahan nito upang ma-enjoy pa rin niya ang life.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments