Sa ibang bansa gaya ng Brazil, ang mga kalalakihan ay hindi kadalasan nagbibigay ng bulaklak sa mga kababaihan. Sa halip, ang mga babae ang nagpapalitan ng flowers sa isa’t isa tulad ng yellow, pink, at puting bulaklak.
Kapag nag-abot naman ng bulaklak sa mundo ng mga Arabo, ito ay expression ng kanilang pasasalamat. Kailangang ipadala lamang ng lalaki ang bulaklak sa pangalan ng kanyang misis.
Ang pagbibigay naman ng bulaklak sa lalaki ay hindi na nakapagtataka sa Italy. Kung lalaki ang pag-aabutan, advisable na huwag pipili ng masyadong fragile, ayaw nila ng bright colors tulad ng pink, yellow, o orange na may crown na distinct ang design gaya ng tulip.
Pati ang bilang ng bulaklak ay mahalaga sa iba’t ibang kultura. Sa Brazil, ang isang pirasong bulaklak na ibig sabihin ay para sa romantic na sitwasyon bago o pagkatapos ng isang dinner date.
Sa Greece at Eastern European cultures, kaugalian na kapag magbibigay ng roses ay hindi hinahaluan ng ibang flower bouquet na sinisigurado ang odd numbers ng mga roses.