Ang Hulyo ay buwan ng National Disaster Resilience Month na pinapatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang maging aware ang mga tao sa kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng kalamidad. Lalo na sa mga lugar na prone sa landslides at pagbaha mula sa natural hazard na madalas kaharapin ng bansang ‘Pinas.
Ang layunin ay masanay hindi lamang ang gobyerno kundi ang lahat ng indibidwal at ahensiya mula sa pribado at public sa lahat ng sector mapa-eskuwelahan at bawat tahanan bilang partnership na dumaan sa training upang magkaroon ng kamalayan sa sarili nitong paghahanda sa lahat ng darating na sakuna.
Tuloy ang effort na ipakalat ang consciousness ng resilient kahit marami ang tumutuligsa sa word na ginamit na ‘resilience’ ng gobyerno. Ang salitang resilient na ang ibig sabihin ay pagiging matatag at hindi natitinag sa anomang klase ng kalagayan.
Ang ‘Pinas ay prone sa bagyo at nakararanas ng lindol kung kaya ang ibang bansa ay ginagawa nang natural at laboratory resilient ang mga kaganapan na kalamidad sa bayan ni Juan.
Bahagi ng agenda na ang awareness ay maging organisado ang mga kabahayan na bago pa binabayo ng bagyo ay nakaplano at matatag nang alam ang mga preventive measurements na dapat gagawin ng mga pamilya.