Ipis hindi tinatablan ng insecticide!
Habang tumatagal ay nag-e-evolved na ang kinatatakutang insekto at itinuturing na isa sa mga peste ng lahat – ang mga ipis.
Kamakailan lang ay kumalat na sa buong mundo ang balitang nag-develop na ang mga ipis at hindi na ito kayang patayin ng mga insecticide.
Ayon sa mga scientist mula Purdue, nilagay nila sa isang eksperimento ang mga nakuhang German cockroaches kung saan in-exposed nila ito sa iba’t ibang insecticides, at kanilang napag-alaman na hindi lamang basta lumakas ang kanilang resistensya, mas lalo pa silang nakakakuha ng lakas ngayon dahil sa mga insecticide.
Ang mga ipis na may malalakas na resistensya at immunity system ay posible na makapagpasa ng ganitong lakas sa mga susunod pa nilang henerasyon.
Taon na lamang ang bibilangin bago maging insecticide proof ang mga nasabing insekto.
“This is a previously unrealized challenge in cockroaches,
“Cockroaches developing resistance to multiple classes of insecticides at once will make controlling these pests almost impossible with chemicals alone,” paliwanag ni Michael Scharf ng Purdue University.
- Latest