Ang inaakalang nakamamanghang technology partikular na ang computers, smartphones, at tablets ay mayroong double-edge na talas gaya ng espada dahil sa nakatagong stress na nakukuha sa mga ito. Madalas ang mga tao ay alipin na ng mga cell phone hindi lamang ang mga kabataan, kundi pati na rin ang mga magulang.
Sa pag-aaral, malawak ang masamang epekto ng sobrang pagkakaroon ng screen time para sa mga kids at adults. Kasama ang nabubulabog at napapaikli ang tulog. Nababawasan ang physical na activity. Mataas ang rates ng emotional, social, at behavior problems. Mataas din ang resulta ng rate ng obesity.
Bakit nga ba may side effects ang smartphone at screen time sa mga indibidwal? Mapapansin sa sarili na sa paggamit ng technology ay tumataas ang heart rate, bumabagal ang paghinga, at puwedeng nagiging alert sa ibang bagay. Kung malinaw ang pag-iisip at pagiging alerto, pero kabaligtaran pa rin ang mabagal na pintig ng puso at pagkahapo sa paghinga. Ang mga ito ay senyales din ng response sa stress. Ang screen time ay nagpapaaktibo ng sympathetic nervous system. Ang sinasabing “fight o flight” na tugon sa pagharap sa devices ay banta kung totoo man o hindi ang nararanasan. Sa research, ang paggamit ng mga bata ng smartphones sa gabi ay ebidensiya ng pagtaas ng heart rate at pagbaba ng kanilang autonomic nervous system na activity.