Dear Vanezza,
Niyayaya na akong magpakasal ng BF ko na mayaman at mas bata sa akin ng sampung taon. Pero nag-aalangan ako dahil isa akong single mother na mayroong dalawang anak at 48 years old na ako. Kahit pa may maganda akong trabaho. Worry ako kung ano ang sasabihin ng pamilya niya dahil sa kalagayan ko. Mabait naman siya sa mga anak ko, kaya lang ay nag-aalala ako na masabing naghahabol lang ako sa pera niya. Nahihiya na akong tawaging cougar, tapos naghahabol pa sa pera niya na alam ko namang hindi totoo. Ano ba ang gagawin ko? – Maffie
Dear Maffie,
Huwag mag-alala kung ano ang iisipin ng iba. Ang mahalaga ay ikaw ang gusto niyang pakasalan kahit pa single mother ka at mas matanda sa BF mo. Sabihin ang iyong takot sa nobyo na tiyak na sa kabila nang iyong pag-aalangan, ikaw ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin kung kaya ikaw ang gusto niyang iharap sa altar.
Sumasainyo,
Vanezza