Sintomas ng dengue hemorrhagic fever
Maraming sintomas ang dengue hemorrhagic fever na maaaring mild lamang, pero lumalala pagkatapos ng ilang araw. Kahit pa mild lamang ang sintomas ng dengue, pero nagpapakita na rin ito ng sign na mayroong internal bleeding. Ang taong mayroong DHF ay puwedeng makaranas ng mga sumusunod:
1. May pagdurugo mula sa bibig, gums, at ilong
2. Pinagpapawisan o mamasa ang balat
3. May damage sa lymph at blood vessels
4. Mayroong internal bleeding kung kaya nagsusuka at maitim ang lumalabas na dumi.
5. Bumababa ang platelets sa dugo
6. Sensitive ang stomach
7. May maliliit na blood spots sa katawan at mahina ang pulso.
Kapag walang tamang treatment ang DHF ay maaaring mapanganib.
- Latest