Gagawin lahat ng magulang para sa anak upang magtagumpay ito sa kanyang pag-aaral kahit ang payagang gumamit ng technology kung kinakailangan gaya ng cell phone o computer. Ang mali lang ay may tendency lamang ang mga magulang na maging perfectionist sa pag-monitor ng anak na hindi healthy para maging productive ang habits ng mga estudyante.
Akala ng marami ang pagkakaroon ng academic excellent lamang ang bukod tanging nakapagpapa-boost ng self-esteem sa anak. Nakatutulong naman talaga kung may honor ang anak, pero huwag kalimutan na ang sobrang pagpokus lamang para sa grades ay nagbibigay pressure at stress sa bata. Sa halip ay dapat turuan ang anak na magkaroon muna ng self-compassion bilang pagpapahalaga nito sa kanyang sarili.