Bawat estudyante ay iba’t ibang paraan ng pagkatuto. Dahil may kanya-kanyang sariling strength at weakness ang mga bata. Sa pakikipagtulungan sa anak ay malalaman kung saan at ano ang best skills ng anak.
Isulat ang mga ideas na kayang gawin ng anak at pag-usapan ito. Puwedeng kumuha ng mga hands-on na material na makatutulong upang maging madali at kasiya-siya ang pag-aaral nito na makagagaan na ma-boost ang motivation ng anak na mag-aral.
Mahalaga ang grades, pero ang sobrang pag-focus dito ay puwedeng panggalingan ng stress sa estudyante. Imbes na tanungin ang anak tungkol sa kanyang grades, tanungin ang anak kung paano siya matutulungan na matuto sa kanyang school ngayon. Tangungin kung ano ang kanyang natutunan na makatutulong na mag-spark ng interest ng bata upang mag-research pa tungkol sa subject, kaysa puro tinatanong ang grades na nakaka-pressure sa bata; tapos wala namang support kung paano ma-achieve ng anak na magkaroon ng magandang grades.