Ang pagbibigay ng praise sa anak kapag nagtatagumpay ay mas nagpapagana sa bata na mag-excel lalo sa kanyang academic skills.
Maging specific sa pagbibigay ng praise sa anak. Kung mataas ang grades nito sa math test ay maging proud at masaya para sa anak. Hindi masama na bigyan ng ice cream ang bata bilang rewards sa kanyang achievement.
Puwede ring bigyan ang anak ng 10 minutes na oras sa paglalaro sa computer o panonood ng TV. Ibigay ang kanyang paboritong laruan.
Pero huwag magbigay ng sobrang rewards sa bata, kundi sapat lamang para sa anak. Huwag din gagamitin ang pera o mamahaling incentives para lamang suportahan ang magandang performance ng anak.
Mag-stick sa maliit na praises, maliit na bagay, at masayang privileges.