Pinakamalaking tutuli sa buong mundo, nahugot sa tenga ng isang lalaki!
May sukat na 2.5cm ang nakuhang tutuli sa tenga ng isang lalaki matapos itong magpunta sa doktor para magpatanggal.
Ang Consultant audiologist na si Neel Raithatha ang siyang nag-asikaso ng operasyon ng pasyente, at ayon sa kanya, nakakagulat daw ang sukat at laki nito dahil ang average na lalim ng isang ear canal ay 3cm lamang.
Gamit ang endoscopic cup suction, hinila ni Dr. Raithatha ang nasabing dumi sa tenga ng buung-buo.
“Both the client and I were in complete shock. My reaction upon removal was ‘wow’ and the client’s reaction when he saw the piece of ear wax himself was to say ‘oh my goodness.’ Fortunately, the eardrum was intact and healthy,” pagbabahagi ng doktor.
Samantala, nakunan naman ang proseso ng pagtanggal ng tutuli sa tenga ng lalaki at mapapanood na ang footage nito sa social media. Ang iba ay nandiri at ang iba naman ay tila na-satisfy sa kanilang napanood.
50 years na raw pala ang tutuli sa tenga ng pasyente at dahil sa tagal na hindi ito nalinis, nagkaroon diumano ito ng ‘strong acidic smell’.
Bukod sa tutuli, may mga dead skin cell din daw na tinanggal ang doktor sa kanyang tenga.
Meron palang kondisyon ang lalaki na kung tawagin ay keratosis obturan, na kung saan ay naiipon ang dead skin sa loob ng kanyang ear canal, sanhi rin para magkaroon ng tigyawat sa loob nito.
- Latest