Grizzly Bear – Hindi patatalo ang grizzly bear sa larangan ng pangpalakasan dahil kaya nitong magbuhat ng hanggang 500 kilos!
Eagle – Ang agila ang pinakamalakas na uri ng mga ibon. Kaya nitong bumuhat ng kahit na anong bagay/hayop na apat na beses ang bigat kesa sa sariling timbang.
Anaconda – Kayang pigain ng anaconda na isang klase ng dambuhalang ahas ang mga hayop sa pamamagitan ng pagpulupot dito. Tumitimbang ng hanggang 250 kilos ang isang anaconda.
Ox – Ayaw magpahuli ng ox na kayang magtulak/magbuhat ng kahit na anong bagay na may bigat na 900 kilos o 1.5 na beses ng kanyang timbang.
Gorilla – Hanggang sampung beses naman ng kanyang timbang ang kayang buhatin ng isang gorilla. Kaya nitong kumarga ng 2,000 kilos o katumbas ng 30 na katao.