Kung nakararanas ng burnout maaaring ang katawan ay kailangan ng atensyon. Importante na isipin ang mga basics kung paano aalagaan ang kalusugan.
Puwedeng simulan sa pag-eehersisyo. Marami nang pag-aaral na nagpapatunay ang regular na exercise ay may benepisyo hindi lamang sa physical kundi maging sa mental health. Hindi lamang nagpapabawas ng stress, kundi nagbo-boost ang ehersisyo ng magandang mood, gumaganda ang overall health, at nai-enhance ang quality ng buhay.
Kasunod nito ang pagkakaroon nang sapat na tulog, kumain ng healthy na pagkain, at uminom ng maraming tubig sa isang araw. Obvious ang mga sumusunod, pero sa kabisihan ay nababalewala ang mga basic na needs.
Sa halip ay mas nakatutok sa ibang responsibilidad kaysa higit pa sa sarili na madalas ay nagiging dahilan ng burnout.