Madami sa atin, mas pinipili ang ‘lights off” sa pakikipag-sex.
Siyempre kung hindi ka komportable sa iyong katawan, mas okay kapag madilim.
Ayaw mong makita ang mga bilbil, pekas-pekas, arikis, at kung anu-anu pang ‘mali’ o imprefections sa iyong katawan.
Kapag may ilaw, mas maha-highlight ang mga flaws mo. Kaya no, no, no sa ilaw.
Baka nga naman ma-distract si kuya kapag nakita ang malaking nunal mo, malaking pekas, at malaking bukol na maaring makahadlang sa nag-aalab niyang laman.
Pero sabi ng marriage therapist na si Victoria Fleming, M.D., hindi dapat iniisip ito ng mga babae kasi likas na visually-stimulated ang mga lalaki.
Basta maghubad ka lang sa harap ni kuya, pak na pak na ‘yan.
Wapakels na yan kung anumang meron kang itinatago.
“I think leaving the lights on has much more to do with how comfortable you are with yourself than with the other person,” sabi ni Fleming.