Malutong na patatas

BURP TIPS

Lahat tayo ay mas gusto ng malutong na pagkain dahil nakakagana itong kainin. Isa sa mga mahirap ma-perfect lutuin ay ang french fries o potato wedges.

Maraming iba’t ibang paraan para ga­wing malutong ang isa sa mga paboritong kutkutin ng Pinoy.

Nariyang nilalagyan ito ng harina o cornstarch bago iprito para maging crispy. May iba naman na piniprito ito ng dalawang beses pero minsan ay nasusunog ito at tumitigas.  Ang tip namin ay iwan ang binalatang hilaw na patatas na nakababad sa malamig na tubig sa loob ng kalahating oras.

Matapos nito ay maaari nang pagpagin bago iprito. Makatutulong ang pro­sesong ito na mapanatiling malutong ang french fries pagkaluto.

Bongga ‘di ba? Isang step lang pagkatapos hugasan pero siguradong makapagbibigay ito ng lutong sa inyong french fries.

Burp!

Show comments