Ang burnout ay hindi sadyang basta na lamang nawawala; kundi mas lumalala maliban lamang na ma-address ang pinanggagalingan nito.
Kung hindi papansinin ang burnout, ito ay magdudulot ng mas mapinsala sa kalaunan kaya importante na simulan ang recovery hanggang maaari.
Ang recovery mula sa burnout ay mabagal na journey; hindi mabilis na mabura sa isipan.
Kailangan nang sapat na time at space para maghilom, kaya huwag magmadali sa proseso nito.
Ang isa sa strategies ng pag-recover ay i-outline ang iba’t ibang solusyon.
Maaaring ang ibang technique ay mag-work out sa iyo, samantalang ang iba ay hindi epektibo, kaya kailangang maghanap kung paano babalansehin kung paano ibibigay ang best practice na akma para sa iyo.
Kung ang paniwala na hindi effective ang ginagawa mo, huwag matakot na sumubok ng ibang bagay o paraan.