Marami sa atin ang hindi pumapalya sa pagsisipilyo ng ating ngipin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw para makaiwas sa cavities at para mapanatili ang kaputian nito.
Pero alam niyo bang ang iba naman ay pinipinturahan ito ng itim. Para sa mga kababaihan ng Lahui tribe sa Vietnam, simbolo ng kagandahan at kahandaan sa pagpapakasal ang itim na ngipin.
Sa Japan, ang itim na ngipin sa mga kababaihan ay simbolo ng high status sa society.