Pagpupungsuy ng halaman

Mga dapat malaman tungkol sa pagdidispley ng halaman sa bahay:

Bahagi ng feng shui ang pagtatanim ng halaman sa paligid ng bahay dahil ito’y nagdudulot ng good energy.

Magdispley ng halaman sa loob ng office upang madagdagan ang suwerte sa career. Ilagay ito sa south, east at southeast.

Kung ang married couple ay hindi magkaanak, iwasang maglagay ng bulaklak sa bedroom at sa halip ay mga prutas na nasa basket ang idispley dito. Pinakamainam na prutas ay pomegranates.

Huwag ipapasok sa loob ng bahay ang mga halamang may tinik, lalo na sa front door.

Huwag mag-alaga ng bonsai. Nagpapahayag ito ng naudlot o napigil na pag-unlad.

I-trim lagi ang mga halaman. Nagbibigay ng bad energy ang mga halamang sobrang malalago na halos natatakpan na ang harapan ng bahay. Huwag hayaang maging mas mataas pa sa inyong bubong ang alagang halaman.

Nagdudulot ng suwerte ang fresh flower sa loob ng bahay. Itapon kaagad ang nalantang bulaklak.

Malas ang magdispley ng dried flowers. Mas mabuti pang gumamit ng artificial flowers.

Ang puno ng orange at lemon  ay nagdadala ng kasaganaan sa tahanan lalo na kung nakatanim sa may gilid ng entrance. Kung wala nito, mainam na itanim ang kalamansi.

 Ibaon ang 9 coins sa paso na pinagtataniman ng jade or bamboo plant. Idispley ito sa wealth area or sa southeast corner ng inyong salas.

 

 

Show comments