58-talampakang sandcastle sa Germany, pinakamataas sa buong mundo

ISANG international team ng mga artists ang nagtulung-tulong sa Germany sa pagtatayo ng isang 57.94-talampa-kang taas na sandcastle na nakapagtala ng bagong Guinness World Record.

Nagmula pa sa The Netherlands, Latvia, Poland, Russia at Hungary ang mga artists na nagtayo ng kastilyong buhangin, na natapos lamang nila noong Miyerkules sa Binz, Germany bago ito sinukat ng Guinness at idineklara bilang world’s tallest sandcastle.

Mas mataas ito kaysa sa sandcastle na itinayo rin sa Germany noong 2017 na umabot lang sa  54.72 talampakan ang taas.

Noon pang Mayo nagsimula ang paggawa sa sandcastle, na itinayo gamit ang construction equipment at 11 tonelada ng buhangin.

Inaasahang mananatiling naka-display ang kastilyo hanggang sa Nobyembre 3 ng kasalukuyang taon.

 

Show comments