Burnout sa trabaho

Ang burnout ay kalagayan ng matinding physical at emotional na kapaguran. Ito ay nararanasan dahil sa sobrang stress sa work o kapag pagtatrabaho na physically at emotionally ay nakaka-drain. Nakararamdam din ito na kapag ang effort ay nabigo na hindi nangyari yung inaasahan kung kaya para kang binagsakan ng langit at lupa.

Maaaring makararanas ng burnout kung ang feeling sa araw-araw na trabaho ay  bad day. Sobrang pagod na kinakain na ang lahat ng oras mo kaya wala ka na rin life. Wala ka ng joy o interest sa trabaho o baka depress ka na dahil sa trabaho. Sobrang dami ng responsibilidad. Mayroon ka ng escapist behaviors na idinadaan sa sobrang pag-iinom ng alak ang pagkabagot o bad trip. Konti na lang ang pasensya sa ibang katrabaho hindi katulad ng dati. Yung feeling mong wala ka ng pag-asa sa iyong buhay at trabaho.

Mayroon din symptoms physically ang burnout gaya ng pananakit ng dibdib, nahihirapan makahinga, hindi makatulog, at may heart palpitations ka na. Kapag ganito ang pakiramdam ay siguraduhin na magpatingin sa inyong doktor.

Sa pag-aaral, ang mga taong nakararanas ng maagang burnout sa kanilang career ay madalas mas madaling maka-recover kaysa sa mga taong ilang taon na sa kanilang trabaho. Pero importante na alam kung paano makabangon nang maayos at epektibo sa kahit kung anomang stage ka ng iyong career ngayon.

Show comments