Saging, lunas sa oily face

“Super fruit” na maituturing ang saging dahil sa sangkaterbang benepisyo nito sa ating buhay lalo na sa kalusugan.

Higit pa riyan, abot-kamay ito sa bulsa ng mga simpleng mamamayan. Pwede itong idagdag sa rekado ng mga lutuin, o pwede namang snack kung ikaw ay mahuhuli na sa trabaho o eskwelahan.

Ayon sa pag-aaral, nakapagpapababa ng high blood pressure ang pagkain ng tatlong medium-sized na banana araw-araw. Nakapagpapaganda ito ng digestion dahil hitik ito sa fiber na siyang responsable sa bilis ng digestion sa ating katawan. Hindi ka rin mabilis gutumin dito pero dapat ay sakto lang ang pagkain dahil baka naman magkaroon ka ng constipation o ‘yung hindi pagdumi sa tamang oras.

Sa pagpapaganda naman, napatunayan nang nakagaganda ng kutis ang saging dahil sa taglay nitong potassium at moisture.

Kung parang “nagmamantika” naman ang iyong mukha, pwedeng gumawa ng mask gamit ang sa­ging, lemon, at honey. Ibabad lang ito sa mukha ng 20 minuto at instant kinis na ang iyong mukha.

Pwede rin ito sa pagsugpo ng acne at dark spots sa mukha. Pwedeng kainin ng buo ang sa­ging, gawing inumin, o durugin at ilagay sa mukha kasama ang katas ng calamansi.

Show comments