Ang gutter ay naka-install para sa funnel ng tubig upang malayo ang bagsak ng tubig mula sa bahay.
Nakatutulong din itong maprotektahan ang pondasyon ng bahay.
Dahil kapag sobra ang pagbagsak ng tubig malapit sa structure ay sasabog naman ang lupa sa paligid na makokompromiso ang buong pondasyon ng structure.
Kung may dysfunction ang gutter ito ay magiging banta kapag dumating ang malakas na buhos ng ulan.
Dahil hindi nito kakayanin ang funnel sa daluyan ng tubig palayo sana sa bahay.
Siguraduhing nalinis ang mga nakabara sa gutter. Kung may leak ay i-repair agad ang ilang bahagi nito.
Huwag nang hintayin ang umulan bago ayusin ang sira na mas mahirap makumpuni tuwing tag-ulan. Linisin din ang canal at drain lines para hindi maipon ang tubig sa ibaba. Upang tuluy-tuloy din ang daloy ng tubig.