Dear Vanezza,
Yung nanay ko na iba ang sinasabi sa tatay ko at ibang tao para lang magmukha na ako ang may kasalanan. Puro bugbog ang inaabot ko kay nanay na kahit 19 years old na ako. Gusto ng friends ko na i-report ko sa pulis si nanay, pero hindi ko naman magawa. Pero hirap na ang kalooban ko na naiinggit ako sa ibang classmates ko na close sa nanay nila. Bakit nga ba hindi puwedeng pumili ng nanay? – Mhae
Dear Mhea,
Puwede kausapin si tatay para magkaroon kayo ng family meeting. Para magharap-harapan na mag-usap kayong magpamilya sa inyong problema. Upang masabi ang iyong sama ng loob kay nanay kaharap si tatay. Maaaring kulang lamang kayo sa komunikasyon kaya madalas ay hindi talaga nagkakaintindihan.
Sumasainyo,
Vanezza