Strawberry dagdag pampainit

‘Papalapit na ang ber months kaya lu­malamig na naman ang panahon. Sa mga panahong ito mas masarap ang may katabi sa kama.

Pero paano kung ayaw ni mister o ni misis na mag-loving-loving sa gabi dahil sa pagod sa trabaho at pagkawala sa mood? Haha­yaan mo na lang bang hindi ka rin maging maligaya?

Ang strawberry ay isang magandang source ng folic acid, isang B vitamin na nakatutulong para mawala ang birth defects sa kababaihan. Ayon din sa pag-aaral ng Berkley University sa California, nakakataas ito ng sperm count sa mga kalalakihan.

Kaya mabenta ang mga chocolate-coated strawberries dahil bukod sa ang dark chocolate na puno ng libido-boosting, methylxanthines ay maganda sa sex life ang prutas na ito. Burp!

Show comments