Bayaning kabayo
Kalagitnaan ng nagyeyelong lugar sa Canada na may magre-rescue sa kanya. Lunes ng gabi nang mangyari iyon dahil sa sobrang sama ng panahon. Hindi lamang basta rescuer ang nagbigay ng tulong dahil kasama pa nito ang kanyang alagang kabayo na si Smudge.
Nagpasya ang 18-taong gulang na si Eileen Eagle Bears na dalhan ng maiinom na kape ang lalaking na-stranded malapit sa kanilang bahay.
Laking pasasalamat ng lalaki na ginaw na ginaw sa loob ng kanyang sinasakyan na hindi na nga makaabante pa dahil sa kapal ng snow.
Tumanggi ang lalaki na sumama kay Eileen at iwan ang kanyang dalang truck dahil baka may masamang mangyari. Ganun pa man, nangako si Eileen na babalik kinabukasan para dalhan ng almusal ang lalaki kasama pa rin ang kanyang kabayo.
Kinabukasan ay tinupad ni Eileen ang kanyang sinabi. Dinalhan niya ng agahan ang lalaki at tuluyan na niya itong sinama dahil sa mas lumalalang lagay ng panahon. Malaki ang kontribusyon ng kabayong si Smudge para ma-rescue ang naturang trucker dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi mararating ni Eileen ng ligtas ang dapat nilang puntahan.
“I’m thoroughly enjoying seeing her get the recognition she deserves for being such a good person,” sabi ni Heather, ang proud na ina ni Eileen.
- Latest