Ang magnesium ay isa sa kailangang mineral sa katawan. Halos 50 – 60% ng magnesium ay matatagpuan sa bones na fundamental role ng skeletal health at development. Ang kalahati ng magnesium ay nasa muscles at ibang soft tissues ng katawan. Ang magnesium ay kailangang nutrient na puwedeng makuha sa pagkain at supplements. Ang function ng magnesium ay nagpapagalaw sa 300 enzymes para sa mahabang metabolic reaction sa katawan gaya ng energy production, bone metabolism, protein synthesis, muscle at nerve transmission, blood glucose control, at blood pressure regulation.
Ang magnesium ay mahalaga sa energetic, mental at physical performance, at para magmukhang bata o maging masigla.
Ano ang mga senyales kung kulang sa magnesium? Nakararamdam ng pagod at walang energy. Feeling stress o nagagambala ang tulog. Nahihirapan matulog, nagkakaroon ng muscle cramps o napupulikat, nadi-depress ang pakiramdam, walang ganang kumain, madaling naduduwal, namamanhid ang kamay, daliri, talampakan, at nahihilo.
Maraming indibidwal ang kulang sa magnesium sa kanilang diet kung kaya ang susunod na misyon ay alamin kung paano mapunan ng nasabing nutrient.