“Siyempre si mister ko ang bossing sa bahay namin. Pero bago siya magpatupad ng batas ay napag-usapan na naming dalawa kung anong desisyon ang dapat niyang gawin. Napagdiskusyunanan na naming mag-asawa para malinaw sa mga anak na si tatay ang leader ng tahanan.” – Bheng, Isabela
“Naku yung mister ko na hindi palaimik kaya ako ang mukhang bossing sa bahay. Hindi nagsasalita yung asawa ko kapag lasing lang. Kaya ako ang putak nang putak sa bahay. Minsan lang magalit mister ko na kinakatakutan din ng mga bata.” – Phelomela, Pasig
“Depende rin sa personality ng mag-asawa. Ang mga misis masalita lang naman dahil ayaw magsikilos ng mga tao sa bahay. Pero alam naming si mister pa rin ang bossing ng aming pamilya.” - Zeny, Negros
“Hinahayaan ko namang maging bossing ang mister ko. Pero ang nakakainis minsan palpak magdesisyon ang mga lalaki ‘di ba? Hinahayaan ko na lang siya sa mga diskarte niya para ma-feel niyang siya nga ang dapat masunod sa pamilya namin. Pero ano naman ang gagawin ko kung ubod ng kupad kumilos. Kaya hindi rin mapigilan ng mga misis ang magreklamo ‘di ba?” – Neng, Isabela
“Ang turo sa Bible ang misis ay dapat nagpapasakop kay mister na imagine ang sabi ng Bible ay mag-obey ng “all things” sa lahat ng aspeto ng buhay. Hindi madali, pero nagtiwala ako na si mister dapat ang bossing ng bahay. Naging maayos naman ang pamilya namin. Kaya hayaan nating si mister ang maging bossing para may blessings dahil siya naman ang mananagot sa Panginoon para sa atin.” – Jessica, Bulacan