Bayaning aso

Dalawang taong gulang pa lamang si Charlie Riley nang malagay ang kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.

Ganun pa man, hindi ito hinayaang mangyari ng kanyang alaga na si Geo, isang half-breed German Shepherd at Collie. 

Naglalaro ang dalawa sa tabing kalsada nang biglang dumating ang mabilis na truck.

Sa bilis ng pagpapaandar nito ay tumama ito sa gutter kung nasaan si Charlie. 

Laking gulat na lamang ng mga saksi nang biglang tinulak ni Geo si Charlie. Dahil dito, siya ang lubhang nasugatan. 

Sinubukan ng mga magulang na sagi­pin ang bata ngunit wala nang sapat na oras dahil nawalan ng break ang truck. 

Himalang naka-survive ang aso kahit marami itong internal injuries at bali pa ang spine at paa. 

Hanggang ngayon ay sinasailalim pa rin sa rehabilitation ang naturang aso. 

 

Show comments