1--May instant deep connection kaagad kayo gayong bago lang kayong magkakilala. Naroon ang pakiramdam na dati na kayong magkakilala.
2--Hindi ninyo mailarawan ang kaligayahang nadadama ninyo kapag kayo ay magkasama.
3--Malinis ang hangarin ninyo sa isa’t isa. Walang malisya.
4--Gusto ninyo ay lagi kayong magkasama. Mga 5 minutes pa lang kayong naghihiwalay pero nami-miss na ninyo ang isa’t isa.
5--Hindi kayo nakakaramdam nang pagkainip kapag nagkukuwentuhan at hindi rin kayo nauubusan ng pag-uusapan.
6--Ang pagbibigay mo sa kanya ay hindi naghihintay ng kapalit.
7--Ang inyong relasyon ay walang restriction. Walang bawal-bawal, basta’t hindi ikapapahamak ng mga sarili. Binibigyan ninyo ang bawat isa ng kalayaan na gawin ang bawat naisin.
8--Ang pagmamahalan ninyo ay more on spiritual kaysa physical.
9--Walang kompetisyon at pagkukunwari sa isa’t isa.
10--May complete loyalty kayo sa isa’t isa.
11--Napakasaya ng iyong mood kapag magkasama kayo.
12--Simula nang magkakilala kayo, automatic na binago mo ang iyong ugali: inalis ang mga bisyo at masasamang ugali.
13--Naging kumpleto ang iyong pagkatao simula nang magkakilala kayo.