Minsan ang mental breakdown ay nauugnay na nervous breakdown na konektado rin sa mga mental disorder. Makatutulong kung magkakaroon ng therapy pero hindi komo magpapa-check up ay ibig sabihin ay may sira na ang ulo mo.
Maraming uri ng psychotherapy na makatutulong sa mental breakdown. Depende sa klase ng mental disorder na nararanasan.
Makipag-usap sa iyong doktor kung anong klaseng treatment ang best para sa iyo. Puwedeng talk therapy na makikipag-usap sa isang therapist sa lahat ng isyu na iyong pinagdadaanan.
Maaari rin ang cognitive behavior, ito ay isang uri ng psychotherapy na nakapokos sa pagbabago ng isipan upang mababago ang behavior.
Puwede rin piliin ang interpersonal therapy na ang pokus naman sa relasyon sa ibang tao.