Misis pinagtitripan ni mister

Dear Vanezza,

Limang taon na kami ng ka-live in ko na kahit ilang beses na siyang labas pasok sa rehab ay hindi pa rin siya nagbabago. Bumabalik pa rin sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Suko na ako at ayaw ko nang magtiyaga sa pangbubugbog niya sa akin. Nandito ako ngayon sa Manila na mabuti na wala kaming anak at hindi kami kasal. Pero nangungulit siyang bumalik na ako sa probinsya na nangangakong magbabago na siya.

Alam kong hindi na yun mangyayari dahil pagtitripan lang niya ako dahil hibang na siya sa droga. Bakit ako magtitiyaga sa ganyang klase ng lalaki ‘di ba? – Maricel

Dear Maricel,

Tama ang iyong desisyon na lumayo at magbagong buhay. Putulin na ang komunikasyon sa kanya upang tuluyan nang makalaya sa iyong nakaraan. Makaka­hanap ka pa rin ng tamang lalaki na matino at mamahalin ka. Kaysa magpabola sa adik mong asawa na hindi na nagbago.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments