Ang sobrang exposure sa init ng araw ay nagreresulta ng sunburn. Ito ang dahilan kung bakit namamatay ang cells sa balat, nasisira ang skin, at nade-develop ang skin cancer. Paano poprotektahan ang sarili sa matinding sikat ng araw?
1. Gumamit ng sunscreen araw-araw kahit maulap.
2. Magpahid ng 1 ounce ng sunscreen at least 15 – 30 minutes bago lumabas ng bahay.
3. Pumili ng sunscreen na nagpoprotekta laban sa UVA at UVB radiation.
4. Mag-apply ng sunscreen kada-dalawang oras kung magsu-swimming o pinagpapawisan.
5. Mag-ingat sa may dagat at buhangin na mas mataas ang tsansang magkaroon ng sunburn.
6. Ilayo ang 6 months old na bata na pababa sa matinding init ng araw.
7. Limitahan ang paglabas ng bahay mula 10 AM – 4 PM.
Kung ang anino ay mas mababa ibig sabihin mas matindi ang init ng araw kaya pumunta sa shaded na area.